Visit Our Sponsors

Your Ad Here

Monday, January 18, 2010

Rockman and Punk - Manny Villar Spoof Commercial

Eto ang version namin ng sikat na sikat na commercial ni Manny Villar. Sana magkatime kami para ma shoot din namin ito, medyo busy lang kami ngayon eh. alam nyo na, malamig ngayon, masarap matulog. Download nyo yung minus one dito sa link na ito, Click na!

Nakaligo ka na ba sa kumukulong mantika?
Nabangga ka na ba sa gitna ng kalsada?
Ang malas namin,
Tunay ba kaming duling?

Nalaman mo na bang mapapatawa k'nila?
Tutulungan tayo mag alaga ng aso?
At ang kanilang plano'y mapa-utot tayo

Si Rockman ang tunay na Rockista
Si Punk naman ang tunay na Punkista
Sila talga ang may kakayahan
na gumawa ng sariling kalokohan

Si Rockman at Punk ang magtatapos ng ating kalungkutan.

Busy-Busyhan - The Mechanicos


Download Video

Natatandaan nyo ba ang bagyong Ondoy? Yung hayup na yun? Na sumira sa bahay ng mga tropapips natin, daming nasayang na gamit dun ah, lalo na yung mga auto nila - buti nalang wala kaming auto! Kaya dito panoorin nyo kung gaano nahihirapan ang mga Mechanicos at gaano kasaya naman ang may-ari ng talyer.

Monday, June 9, 2008

Busy-Busyhan - The Food Stylist


Download the Video

Ito ay isa sa mga pagkain na inayos ni Chef Eugene para sa pictorial na gagamitan sa packaging ng isang produkto. Dito namin nalaman kung paano maging busy ang isang food stylist.


Rakenrol Haybol Show


Ito ang aming magical-musical show! Pinaghalong reality tv at sci-fi adventure, hindi ko alam kung paano namin naisip ito. Pero nangyari naman hehehe. Guest namin dito ang bandang Dream Kitchen. Kasama rin namin si Master Beat at Yaya Riyenne.

Watch or Download:

Download Part 1/4


Download Part 2/4


Download Part 3/4


Download Part 4/4

Jojo A, All the Way Guesting QTV Days


Download the Video

Ito ay una namin guesting sa Jojo A. All The Way (show ni Mr. Jojo Alejar sa QTV) simula ng malipat sya sa QTV from RJTV, pero ngayon Goodnite show na ang title. Nag gguest parin kami doon kaya abangan nyo kami gabi-gabi, 11PM


Rakenrol Haybol Bloopers


Download the Video

Eto ang video namin kung saan kami nagkakamali sa aming mga lines - baguhan pa kasi, sensya na! Laugh trip ito panoorin. Kung hindi ka matawa, malamang may problema ka sa buhay! hehehe


Rakenrol Haybol Teaser


Download the Video

Eto ang teaser ng Rakenrol Haybol, marami kami Specials Effects na ginawa dito. tulad na lang ni Master Beat na naging halimaw!


Rakenrol Haybol Soundtrack



Hi friends, eto nga pala ang theme song ng Rakenrol Haybol. Eto na rin ang ginamit namin sa Busy-Busyhan show. Original theme song namin talga ito.

Download

Rakenrol Haybol

Si Rockman at Punk laging magkasama
Magkasundo kahit na magka-iba
Isa ay hippie, isa ay mohawk
Tambay sa bahay, talagang ganito
Pag walang magawa at walang mapanood

Isang araw may nakita
Isang Gothic, may dalang antenna
Mahiwaga at nakakapag-broadcast
Kaya ngayon sila'y meron ng show.

Rakenrol Haybol (rakenrol!)

Download

Sunday, June 8, 2008

Busy-Busyhan - The Vinyl Collector


Download the Video

Mga pre, eto ang una naming episode para sa bago naming show na Busy Busyhan with Rockman & Punk. Ininterview namin ang tropa naming si Banie Vinluan, isang Vinyl Collector ng mga New Wave at Punk na Vinyls.


Welcome mga tropapips!

Salamat sa inyong pagbisita! Sana maligayan kayo sa aming mga kalokohan. Ang aming mga show ay trip-trip lamang, hindi kami kumikita rito. Gusto lang naming talgang magpatawa. Buti nalamang at nakilala namin si Direk ng Red Vertigo Productions at tinulungan niya kaming magkaroon ng show.

Sa ngayon, ang show namin at mapapanood lamang sa internet, ang title nito ay Rakenrol Haybol, meron kami ritong mga guest band. Episode 1 palang ang nagagawa namin, medyo magastos kasi. kaya eto gumawa naman kami ng mga short segments at tinawag namin itong Busy-Busy-Han with Rockman & Punk. Dahil kami ay hindi mga busy na tao kaya nag bubusy-han kami at naghahanap kami ng mga busy pipol na pwede naming matanong at kulitin kung anong ginagawa nila sa kanilang buhay. Abangan nyo ito dahil interesting ang mapapanood nyo rito. May mga Food Stylist, Vinyl Collector, Toy Collector, Music Video Directors, Models, Artista at maraming pang iba! Marami kayo matututunan! Kaya Bisitahin nyo kami madalas para malaman nyo kung anong bago sa aming mga buhay, yan ay kung hindi kayo busy! =)

O Sige mag rarakenrol pa kami!

- Rockman & Punk

Mag chismisan tayo nila Rockman & Punk

Visit Our Sponsors

Your Ad Here